Poems for her

Hi Bae!

Happy Valentine’s Day! I know I know, medyo cheesy. Alam kong tatawa ka diyan pag nabasa mo to habang sinasabi yung phrase na “Ano to? Baliw!!” tapos mamaya manghaharot ka na ulit. Gusto ko lang sanang sabihin sayo na mahal kita. Alam kong di ako palasulat ng letter, kasi nga panget yung font na binigay sakin ni lord. Dito lang ako magaling, sa pagtype.

Salamat sa endless pakikinig ng mga rant ko sa buhay, sa pag akbay kapag pagod na ko sa lahat lahat ng ginagawa ko, sa pagsama sakin sa mga lakad kasama yung mga kaibigan mo, at syempre salamat dahil ako yung pinili mo. Di man perfect yung relasyon natin, grateful ako dahil ikaw yung kasama ko.

Tumatanda na tayo, di na tayo kasing energetic 5 years ago nung mga bata bata pa’t kaya pang bumyahe nang di napapagod. Pero alam mo? Sa tuwing sumasakit yung tuhod ko, okay lang basta ikaw kasama ko. Walangya kasi to ang aga aga bumibigay, di naman beki. Balik na ulit ako sa point ko. In short and in length with lengthwise ginko biloba, kahit gaano pa ko mapagod, masaya pa din ako kasi ikaw yung kasama ko sa lahat ng lakad. Mahal na mahal kita.

At ayon na nga, dito na magtatapos itong blogpost na to, never kong naimagine na gagawa ako nito. Jusq dami ko pang pinanuod na tutorial dapat matuwa ka. Ngiti ka nga diyan, yiihhhh ang cute cute. I love you, pagkatapos mo to basahin yumakap ka tapos sabihin mo “giggity giggty olraytt”.

I love you bae. To more years to come (kampaiiii)