Poems for her

Umpisa

Magsimula tayo sa umpisa,
sa panahong una palang tayong nagkita.
Sa gabing di ko inakalang ako’y iyong papansinin.
Sa umagang di ko akalaing ako’y iyong pa ding kakausapin.
Sa mga tanghaling ikaw lang ang kapiling.

Magsimula tayo sa una,
sa unang beses na tayo’y nagmahal.
Inakala nating wala nang susunod na dadating,
hanggang sa tayo’y iniwan din.
Hanggang sa tayo’y pinagtapat ng may kapal.

Magsimula tayo sa isang salita mahal.
Araw araw kitang mamahalin,
Hanggang sa ang mga tala’y magdilim,
Araw araw kitang pipiliin,
kahit ang away ay napapadalas na din.
Ikaw pa din ang tangi kong papangarapin.

Nagsimula tayo sa umpisa mahal,
wala akong balak bigyan ito ng hanggan.
Ikaw lang ang pipiliin sa hirap at ligaya,
Ikaw lang ang haharapin sa altar ng puong may kapal.
Ikaw lang ang gustong pakasalan.


Photo by Gerald Gloton