Poems for her

Madaming una

Salamat sa madaming una,
sa unang lakad kasama ka,
sa unang dagat nating dalawa,
sa unang konsyertong mahiwaga,
at sa madami pang una na ikaw ang nag umpisa.

Salamat dahil ikaw ang una,
ikaw ang unang unan na naging katabi sa gabi,
unang brasong yinakap tuwing ang mga mata ko’y mahapdi,
unang boses na gustong madinig pagka gising ng tanghali,
at ang nagsilbing bahaghari sa buhay na binabaha palagi.

Di ko man masabi madalas kung gaano kita kamahal,
hindi kasi ako magaling magsalita mahal.
Ngunit sa mga tulang ito sana’y iyong malaman,
na ang pusong ito’y ikaw lang gustong ilaman.
Na sa dinami dami ng tala sa gabi,
ikaw pa din ang nag iisang hahanapin.