• Constellations

    As the stars collide and galaxies are born,it was stardust that made our bodies form.As a million suns shine and meteorites pass by,I thank the artist who made you mine.I promise to never make you cry. As the stars shine and constellations are made,it is you that my eyes want to gaze.I promise to love you in every dark and shining night,I promise to stay in the bluest or grayest morning light.My love, a constellation so bright. I always search for a sky full of stars,I am forever fascinated on how they can shine even from afar.But I didn’t know that this feeling can be attained with you,By my side,…

  • Madaming una

    Salamat sa madaming una,sa unang lakad kasama ka,sa unang dagat nating dalawa,sa unang konsyertong mahiwaga,at sa madami pang una na ikaw ang nag umpisa. Salamat dahil ikaw ang una,ikaw ang unang unan na naging katabi sa gabi,unang brasong yinakap tuwing ang mga mata ko’y mahapdi,unang boses na gustong madinig pagka gising ng tanghali,at ang nagsilbing bahaghari sa buhay na binabaha palagi. Di ko man masabi madalas kung gaano kita kamahal,hindi kasi ako magaling magsalita mahal.Ngunit sa mga tulang ito sana’y iyong malaman,na ang pusong ito’y ikaw lang gustong ilaman.Na sa dinami dami ng tala sa gabi,ikaw pa din ang nag iisang hahanapin.

  • Hi Bae!

    Happy Valentine’s Day! I know I know, medyo cheesy. Alam kong tatawa ka diyan pag nabasa mo to habang sinasabi yung phrase na “Ano to? Baliw!!” tapos mamaya manghaharot ka na ulit. Gusto ko lang sanang sabihin sayo na mahal kita. Alam kong di ako palasulat ng letter, kasi nga panget yung font na binigay sakin ni lord. Dito lang ako magaling, sa pagtype. Salamat sa endless pakikinig ng mga rant ko sa buhay, sa pag akbay kapag pagod na ko sa lahat lahat ng ginagawa ko, sa pagsama sakin sa mga lakad kasama yung mga kaibigan mo, at syempre salamat dahil ako yung pinili mo. Di man perfect yung…

  • Umpisa

    Magsimula tayo sa umpisa,sa panahong una palang tayong nagkita.Sa gabing di ko inakalang ako’y iyong papansinin.Sa umagang di ko akalaing ako’y iyong pa ding kakausapin.Sa mga tanghaling ikaw lang ang kapiling. Magsimula tayo sa una,sa unang beses na tayo’y nagmahal.Inakala nating wala nang susunod na dadating,hanggang sa tayo’y iniwan din.Hanggang sa tayo’y pinagtapat ng may kapal. Magsimula tayo sa isang salita mahal.Araw araw kitang mamahalin,Hanggang sa ang mga tala’y magdilim,Araw araw kitang pipiliin,kahit ang away ay napapadalas na din.Ikaw pa din ang tangi kong papangarapin. Nagsimula tayo sa umpisa mahal,wala akong balak bigyan ito ng hanggan.Ikaw lang ang pipiliin sa hirap at ligaya,Ikaw lang ang haharapin sa altar ng puong…